TUGUEGARAO- Muling nakadiskubre ng marijuana plantations ang mga otoridad sa Tinglayan,Kalinga
na kilala na may malawak na taniman ng nasabing iligal na halaman.

Siyam na plantation sites ang sinira, tatlo sa Loccong habang anim sa Butbut, Tinglayan, Kalinga.

Sa Loccong, mahigit sa 107, 000 na may halagang mahigit P21m ang binunot at sinira, habang
mahigit 76, 000 na marijuana na may halagang mahigit P15m ang sinira sa Butbut.

Sa kabuuan ay umaabot sa mahigit 183, 000 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa
P36m ang sinira sa dalawang nabanggit na lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nitong mga nakalipas na araw at buwan maging nitong 2020 ay maraming marijuana
eradication ang isinagawa ng mga otoridad sa Kalinga karamihan ay sa Tinglayan.

Gumagamit na rin ng drone ang mga otoridad upang matukoy ang iba pang marijuana plantation sa
Kalinga.