Nasa mahigit P400-K halaga ng iligal na droga ang nahuli ng mga otoridad sa isang drug courier mula Las Pinas City sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya noong madaling araw ng Biyernes.
Ayon kay PCapt. Manny Paul Pawid, COP ng Bayombong PS, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si alyas George, 50-anyos na itinuturing na high-value target (HVT) ng mga otoridad sa pagtutulak ng iligal na droga.
Dinakip ang suspek matapos umanong bentahan ng oligal na droga ang isang posuer buyer at mahulihan ng humigit kumulang na 55 grams ng pinaniniwjalaang shabu na nagkakahalaga ng P408-K sa Purok 7, Brgy. Sta Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nabatid na bago pa lamang sa pagdedeliver ng iligal na droga sa naturang lalawigan ang naarestong suspek kung saan inaalam na rin kung sino-sino ang source ng droga at mga parokyano nito.