TUGUEGARAO CITY- Kulong ang dalawang lalaki na mula pa sa Quezon City na nahulian ng 37 kilograms na dried marijuana leaves na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P4m.

Sinabi ni PLTCOL. Gilbert Fati-ig ng PNP Kalinga, agad na nagsagawa ng operasyon ang PNP matapos na makakuha ng tip na may magbibiyahe ng marijuana mula sa Tinglayan, Kalinga na kilalang may malawak na taniman ng nasabing bawal na gamot.

Ayon kay Fati-ig, nang sumakay ang mga suspek na sina Jose San Juan Jr. at Kian Cortez ay sumakay din ang isang intelligence ng PNP.

Nang makarating na ang mga ito sa Brngy. Bulanao, bumaba umano ang dalawa nang mapansin ang isang patrol car ng PNP kung saan sinundan pa rin sila ng intel police.

-- ADVERTISEMENT --

Nahuli ang dalawa na bitbit ang apat na bag na laman ang mga marijuana sa Purok 6, Bulanao.

ang tinig ni PLTCOLFati-ig ng PNP Kalinga