Nakakumpiska ang Bureau of Customs (BOC) ng anim na parcel na naglalaman ng ecstasy at heroin na nagkakahalaga ng P4.43 million sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga kargamento, na naharang sa Central Mail Exchange Center, ay naglalaman ng 1,330 tableta ng ecstasy at 362 gramo ng heroin, na nakatago sa mga package na may label na skincare products at plumbing materials.

Galing ang mga droga sa Ireland, Netherlands, at Thailand.

Nakipag-ugnayan ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group kaugnay sa nasabing operasyon.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang matagumpay na magpapadiskubre at pagkumpiska sa mga nasabing droga ay bunga ng pagbabahagi ng impormasyon, kooperasyon ng mga ahensya, at mahigpit na pagsisiyasat.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinasakamay ng BOC ang mga nasabing droga sa PDEA para sa kaukulang aksyon at disposisyon.