Positibo na cocaine ang napulot ng isang mangingisda sa isla ng Calayan, Cagayan noong November 19 sa baybayin ng Sitio Morol Barangay Minadel.

Sa isinagawang pagsusuri ni PMAJ Joyce Bulauan, forensic chemist ng Forensic unit ng Police Regional Office 2, tumimbang ang nasabing cocaine ng 1,020 grams, na may halaga na mahigit P5.4 million.

Ayon kay PCAP Shiela Joy Fronda, information officer ng PNP Cagayan, inaalam na ng kapulisan kung saan galing ang nasabing cocaine na nakabalot sa plastik.

Sinabi ni Fronda na walang markings ang nasabing iligal na droga.

Una rito, may napulot din na naka-plastik na marijuana sa baybayin ng Aparri, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nitong nakalipas na buwan ay may mga na-recover ang mangingisda na floating shabu sa ilang bayan sa Cagayan na may mga Chinese characters.