TUGUEGARAO CITY- Binunot at sinunog ng mga otoridad ang 251, 000 na fully grown marijuana sa 18 panibagong nadiskubreng marijuana plantation sites sa Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Ginawa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang operasyon ng tatlong araw na nagsimula noong July 23 at tinapos kanina.
Sinabi ni Plt. Alex Malasi, OIC chief of police ng PNP Tinglayan na ang halaga ng mga nasabing marijuana ay P 50, 300, 000. 00
Ito ang unang eradication operation na isinagawa sa Cordillera Region sa 2nd quarter ng taon sa ilalim ng “Linis Barangay XIII” at PNP Oplan: :”Green Pearl Delta”
Matatandaan na sa mga nakalipas na buwan ay nagsagawa rin ng katulad na operasyon ang mga otoridad sa nasabi ring lugar kung saan milyong-milyong halaga din ng fully grown marijuana ang sinunog.