TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa P5.7-m na halaga ng marijuana ang sinira ng mga otoridad sa tatlong araw na operasyon sa Brngy.Butbut Proper,Tinglayan Kalinga.

Sinabi ni Police Major Willy Dumansi,tinapos kaninang umaga ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency ang pagsira sa mahigit 28,000 na fully grown marijuana at 1,000 seedlings sa 10 plantation sites sa halos 3,000 square meters na lupain.

Gayonman, walang nahuli na cultivator sa mga nasabing marijuana plantations.

Kaugnay nito,sinabi ni Dumansi na hindi siya naniniwala na kusang tumutubo ang mga naiiwang mga buto ng marijuana dahil batay sa kanilang mga ginagawang operasyon ay may mga nakita silang itinanim na mga seedlings.

Idinagdag pa ni Dumansi na maaaring hindi gumagamit ng marijuana ang mga cultivators sa halip ay pinagkakakitaan nila ito kung saan ang madalas nilang parokyano ay mga foreigners.

-- ADVERTISEMENT --