
Matapos ang ilang pagkaantala, sa wakas tinapos na rin ng contingents mula sa Kamara at Senado ang bicameral conference committee meeting sa proposed P6.793 trillion national budget para sa 2026.
Nagtapos ang talakayan ng bicam panel ng eksaktong 2:22 kaninang madaling araw matapos ang meeting na nagtagal ng mahigit siyam na oras.
Kaugnay nito, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na ang budget ay corruption-free, walang overpriced at may standard transparency.
Sa huling araw ng bicameral conference committee meeting, tinalakay ng mga mambabatas ang budget ng
Department of Public Works and Highways, unprogrammed appropriations, and special-purpose funds, at iba pa.
Matapos na magkaroon ng reconciliation sa conflicting provisions ng panukalang budget ng dalawang kapulungan ng kongreso, ibabalik ito sa kamara at senado para sa ratipikasyon.
Ang ratified version ay dadalhin naman sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang paglagda.
Sinabi ni Gatchalian na inaasahan nila na ipapadala ang panukalang budget kay Pangulong Marcos sa December 29.










