TUGUEGARAO CITY- Aabot na sa mahigit P69M ang pinsala na iniwan ng bagyong Quinta sa sektor ng agrikultura sa Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Agriculture Office, siyam na bayan ang naapektuhan ng sama ng panahon sa lalawigan na nakaranas ng mga pagbaha at landslides.

Kabilang dito ang mga bayan ng Sta. Praxedes, Claveria, Allacapan, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Lasam at Amulung.

Sa tala ng PAO, kabilang sa naapektuhan ay ang mga magsasaka ng palay sa Ballesteros, Cagayan na may mahigit dalawang libong ektarya napinsala.

Sinundan pa ito ng bayan ng Abulug na may nasirang palayan na 1,257 hectares habang sa maisan naman ay 270 hectares.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, mayroon ding naiulat na mga namatay na pitong alagang baka at mahigit P5M naman ang pinsala sa sektor din ng pangisdaan.