Pinanatili ng Senado ang panukalang P733 million budget ng Office of the Vice President (OVP) na inaprubahan ng House of Representatives sa 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Sinabi ni Senator Grace Poe, pinuno ng Senate committee on finance, ginawa nila ang desisyon matapos na mabigo ang OVP na magsumite ng mga dokumento na kailangan para linawin ang ilang issues tungkol sa panukalang budget.
Ayon kay Poe, pinanatili naman nila ang original budget para sa mahalagang item sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang tinaasan ang item sa ilalim ng budget ng Department of Health (DOH).
Matatandaan na noong September 12, inirekomenda ng House committee on appropriations na bawasan ang panukalang P2.037 billion budget ng OVP sa P733.198 million.
Sinabi ni Marikina Rep. Estella Quimbon na binawasan ang budget proposal ng P1.293 billion.