Mahigit P817.87 milyon na umano’y hindi idineklarang yaman at kita nina Vice President Sara Duterte at asawang si Manases Carpio ang inilatag ng financial forensic analyst na si Alexander Cabrera sa ika-37 araw ng impeachment trial noong Oktubre 9.

Ayon kay Cabrera, kabilang sa kaniyang pagsusuri ang hindi idineklarang pera, ari-arian at kita ng mag-asawa mula 2022 hanggang 2025, pati ang mga kumpanyang Cale88, Metro City at Gencorp.

Sinabi ng saksi na gumamit sila ng konserbatibong paraan upang matiyak na walang nadobleng bilang sa kabuuang halaga.

Ang pahayag ay bahagi ng ebidensiyang iniharap ng House prosecution panel sa kasong impeachment laban sa bise presidente.