Asahan ng mga motorista ang oil price rollback sa susunod na linggo.
Tinaya ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero ang bawas-presyo na P0.70 hanggang P0.90 per liter sa presyo ng gasolina.
Habang may P1.20 hanggang P1.50 per liter ang rollback sa diesel at kerosene.
Kaugnay nito, sinabi ni Romero na nananatili pa ring “under pressure” ang presyo ng langis bunsod ng desisyon ng OPEC+ na palawigin ang voluntary production cuts na 2.2 million barrels per day hanggang sa katapusan ng taon.
Sa kasalukuyan, nagpapatupad ang OPEC+ ng total production cut na 5.86 million per day.
-- ADVERTISEMENT --
Ihahayag ng ng mga oil companies ang final price adjustment sa Lunes na maipatutupad naman sa Martes.