Wala munang paggalaw o dagdag presyo sa kada litro ng kerosene.

Ito’y dahil sa umiiral pa rin na price freeze matapos ideklara ang National State of Calamity.

Sakop kasi ng Price Act ang LPG at kerosene, kaya ito lamang ang maaring hindi tumaas kapag isinailalim pa ang lugar o buong bansa sa State of Calamity.

Samantala, kasado na bukas ang mahigit pisong taas-presyo sa gasolina at diesel, batay sa abiso ng oil companies sa Energy Department.

Ayon kay Asst. Director Rodela Romero ng DOE-Oil Industry Management Bureau, tataas ng P1.20 ang kada litro ng parehong gasolina at diesel.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng DOE na resulta ito ng pabago-bagong galaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado dahil sa bagong sanction ng Amerika sa Russian oil.

Matatandaan na noong isang linggo, ipinagpaliban ng walong oil company ang taas-presyo sa mga lugar na pinakahinagupit ng Bagyong Uwan.