
Arestado ang isang senior citizen sa Barangay Macanaya, Aparri matapos makuhanan ng mahigit ₱3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu kaninang madaling araw ng Enero 18.
Kinilala ang suspek na si Panyong, 60 taong gulang, biyudo, high school graduate, tricycle driver, at residente ng nasabing barangay.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Aparri Police Station, katuwang ang 1st MFP at 2nd CPMFC, Maritime Law Enforcement Team–Aparri, Cagayan PPO PIU, at PIT Cagayan North, alinsunod sa search warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng Aparri, Cagayan. Nagsimula ang operasyon bandang 12:34 ng madaling araw at natapos ng 5:00 ng umaga.
Kabilang sa mga nasamsam ang:
9 na plastic sachet ng hinihinalang shabu
1 plastic box ng shabu, tinatayang 500 gramo, halagang ₱3,400,000
1 bukas na plastic sachet ng shabu, tinatayang 10 gramo, halagang ₱68,000
Mga lighter, aluminum foil, plastic straw, improvised tooter, carton box, at isang magazine para sa 9mm caliber
Isinagawa ang paghalughog at dokumentasyon sa presensya ng suspek at saksing barangay kagawad.
Dinala ang suspek at mga nasamsam na ebidensya sa Aparri Police Station at haharap sa kaso sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).










