Tuguegarao City- Pinuri ng mga delegado mula sa ibang rehiyon ang mainit na pagtanggap sa mga ito kaugnay sa gaganaping National Schools Press Conference (NSPC) sa lungsod ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Amir Aquino, Tagapagsalita ng DepEd Region 2, masayang dumating sa lungsod ang mga kalahok na mula sa 16 regions sa bansa upang daluhan ang naturang aktibidad.
Sinabi pa nito na kinansela ng DepEd ang nakatakdang parada bilang bahagi sana ng opening ceremony ng NSPC matapos ang deklarasyon ng code red alert sublevel 1.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng pag-iingat at pagpapatupad sa mga precautionary measures sa banta ng COVOD-19.
Tiniyak naman ni Aquino na may sapat ang mga alcohol at hygine kit sa mga billeting area kung saan mamamalagi ang mga deligado bilang proteksyon sa naturang sakit.
Aasahan naman ang pagdating ng mga panauhing pandangal na sina Associate Justice Raymond Lauigan at DepEd Usec. Diosdado San Antonio.
Magugunitang ang NSPC ay nakatakda sanang isagawa noong nakaraang buwan na lalahukan ng tinatayang nasa 5-7libong delegado ngunit naantala dahil sa pangamba sa COVID-19.
Sa ngayon ay patuloy pa aniyang naghahanda ang DepEd kaugnay naman sa isasagawang National Festival of Tallents sa City of Ilagan.
Inaasahan naman ang pagdating ni DepEd Sec. Leonor Briones sa nasabing aktibidad.