Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na ang patuloy na pagbuga ng mainit na gas o ‘superheated plume’ mula sa Bulkang Kanlaon ay posibleng senyales ng papalapit na pagsabog.

Ayon sa PHIVOLCS, ang ganitong aktibidad ay naitala rin bago ang mga nagdaang pagsabog ng bulkan noong Disyembre 2024 at noong Mayo at Oktubre ng nakaraang taon.

Kung matatandaan, nito lang Enero 28 ay nakapagtala ang bulkan ng superheated plume.

Bukod dito, ang mga naitalang emission ay indikasyon ng patuloy na galaw ng magma sa loob ng Kanlaon.

At hindi ito karaniwang nakikita sa mata.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na naitala rin ang serye ng volcanic earthquakes.

Kaya naman patuloy ang panawagan ng ahensya sa publiko na manatiling alerto at handa.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 2 ang bulkan.