TUGUEGARAO CITY-Binisita ni Major General Andres Centino, Commanding General ng Philippine Army ang mga kampo ng militar sa Cagayan, Isabela at sa Apayao na saklaw ng 5th Infantry Division.
Sinabi ni Major Jekyll Julian Dulawan, information officer ng 5th ID na dalawang araw na inikot ni Centeno ang mga nasabing kampo.
Ayon sa kanya, layunin ng pagbisita ni Centeno na maitaas ang moral ng tropa ng Philippine Army sa gitna ng kanilang pinalakas na kampanya laban sa insurgency.
Pinangunahan din aniya ni Centeno ang pagbibigay ng parangal sa ilang sundalo.
Binisita din niya ang ilang kampo ng CAFGU na ayon kay Centeno ay malaki ang kanilang naitutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kanilang komunidad na nasasakupan.
Kaugnay nito, sinabi ni Dulawan na ang iniwang mensahe ni Centeno sa kanila ay ituloy ang mga nasimulang mga programa at mga kampanya laban sa armadong pakikipaglaban kahit na matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala naman siya na magiging walang saysay ang armadong pakikipaglaban ng mga rebeldeng grupo pagtakapos ng termino ni Pangulong Duterte.
Sinabi niya na ito ay dahil sa marami na sa mga miembro ng rebeldeng grupo ang sumusuko at nagbalik loob na sa pamahalaan.