Asahan ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ito ay batay sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore.

Sinabi ni Romero na asahan ang dagdag presyo na P1.35 per liter sa Diesel, P1.00 per liter sa Kerosene, at P.60 per liter sa Gasoline.

Ayon kay Romero, hindi kasama sa oil price adjustment ang costs of operating companies at ibang premiums.

Sinabi niya na tumaas ang presyo ng langis nitong Lunes hanggang Miyerkules ngayong linggo dahil sa tensyon sa Iran kung saan libu-libong katao ang nagprotesta.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, tumaas ang presyo ng langis dahil sa kaguluhan sa Iran sa kabila na may oversupply ng mga produktong petrolyo ngayong buwan.

Bukod dito, sinabi ni Romero na ang oil price increase ay bunsod din ng paghina nga piso kontra dulyar na nagsara sa P59.46 kahapon.