
Bumalik sa Office of the House Secretary General ang progresibong mga miyembro ng Makabayan congressmen para muling ihain ang pangalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inihain ang kopya ng reklamo nitong nakalipas na linggo sa Office of the Secretary General, bagamat hindi ito minarkahan na natanggap dahil sa wala noon si House Secretary General Cheloy Gerafil.
Si Gerafil ay pumunta ng Taiwan para sa pagtanggap ng isang pagkilala.
Ang reklamo na inindorso ng Makabayan bloc ay inaakusahan si Marcos ng betrayal of public trust dahil sa paglalagay ng mga proyekto sa budget na layuning ibigay ang pondo sa kanyang mga kaalyado.
Sa ilalim ng Konstitusyon, ang pagpasa ng articles of impeachment sa House of Representatives ay magbubunsod ng trial sa Senado, at kung mahatulang guilty, ay matatanggal sa puwesto at diskuwalipikasyon sa paghawak ng anomang posisyon sa pamahalaan.










