Idineklara na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang EDSA Shrine bilang National Shrine.

Sa pamamagitan ng social media post, inihayag ng ractor ng EDSA Shrine na si Fr. Jerome Secillano ang nasabing pagkilala sa naturang eskultura.

Ang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala sa tawag na EDSA Shrine ay matatagpuan sa intersection ng Ortigas Avenue at EDSA sa Quezon City. Isa ito sa mga naging simbolo ng People Power Revolution noong 1986.

Samantala, kabilang din sa mga kinilalang National Shrine ng CBCP ay ang Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto sa Sampaloc, Maynila at Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu sa San Mateo, Rizal.

-- ADVERTISEMENT --