
Hinamon ng Malacañang si Nicholas Kaufman, legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsampa ng mga kaso kung may naobserbahan siyang pang-aabuso sa karapatan sa pagpapatupad ng Marcos administrasyon sa anti-drug operations.
Nagtataka rin si Palace press officer and Undersecretary Claire Castro kung bakit mas interesado si Kaufman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang ang kanyang pangunahing dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pag-depensa sa kanyang kliyente.
Ang tinutukoy ni Castro ay ang mga sinabi ni Kaufman kahapon sa pagpapatuloy ng confirmation of charges hearing sa International Criminal Court (ICC) kung saan tinanong niya ang ICC prosecutors kung iimbestigahan din si Marcos dahil sa nagpapatuloy umano ang drug-related killings sa kanyang administrasyon.
Sinabi ni Castro na maaari namang bumisita si Kaufman sa bansa at siya mismo ang magsampa ng mga kaso sa mga local courts.
Ang espekulasyon pa ni Castro ay hindi na ang pagliligtas sa kanyang kliyente ang kanyang focus, kundi ay nais niyang iligtas ang political career ng isang tao ang kanyang bagong layunin.










