Idineklara ng Malacañang ang Marso 20 bilang regular na holiday bilang paggunita sa Eid’l Fitr, ang pagwawakas ng banal na buwan ng Ramadan.

Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anunsiyo nitong Huwebes sa Malacañang sa ginanap na Grand Iftar kasama ang mga miyembro ng komunidad ng mga Muslim.

Ayon sa Palasyo, kinikilala ng deklarasyon ang kahalagahan ng Eid’l Fitr na nagmamarka sa pagtatapos ng Ramadan – isang panahon na inilalaan sa pagdarasal, pagninilay, at pag-aayuno.

Nagpaabot din ng pagbati ang Malacañang sa komunidad ng mga Muslim sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo habang naghahanda silang ipagdiwang ang Eid’l Fitr kasama ang kanilang mga pamilya at komunidad.