Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang official holidays at special nonworking days para sa 2025, kabilang ang bagong special observance ng Iglesia ni Cristo (INC) founding anniversary.
Ang Proclamation No. 727, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong October 30, ay listahan ng official holidays para sa 2025.
Kabilang sa regular holidays ang New Year’s Day (Jan. 1), Araw ng Kagitingan (April 9), Maundy Thursday (April 17) and Good Friday (April 18);
Labor Day (May 1), Independence Day (June 12), National Heroes Day (Aug. 25), Bonifacio Day (Nov. 30), Christmas Day (Dec. 25) and Rizal Day (Dec. 30).
Ang special nonworking days naman ay kinabibilangan ng Ninoy Aquino Day (August 21), All Saints Day (November 1), the Feast of the Immaculate Conception (Dec. 8) at ang Last Day of the Year (Dec. 31).
Ang Edsa People Power Revolution Anniversary sa February 25, na araw ng Martes, ay special working day.
Tinanggal ito sa listahan ng official nonworking holidays nitong nakalipas na taon.
Kabilang din sa nonworking days ang Chinese New Year sa January 29, Black Saturday (April 19), Christmas Eve (Dec. 24) at All Saints’ Day Eve (Oct. 31).
Ang mga petsa naman sa Islamic holidays Eid al-Fitr (Festival of Breaking the Fast) at Eid al-Adha (Feast of Sacrifice) ay itatakda sa lunar calendar, batay sa abiso ng National Commission on Muslim Filipinos.
Inilabas din ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 729, na nagdedeklara sa July 27, 2025, bilang special nonworking day sa buong bansa bilang pagkilala sa INC founding anniversary.
Nakasaad sa proclamations ang atas sa Department of Labor and Employment na maglabas ng guidelines para sa mga private workers.