Hindi maaaring diktahan ng ehekutibo ang co-equal branch ng pamahalaan.

Ito ang iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos ituro ng Makabayan bloc na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dahilan kaya naaantala ang proseso ng mga na inihaing impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Bersamin, ang naunang pahayag ng pangulo tungkol sa impeachment ay opinyon lamang.

Natanong kasi aniya ang pangulo kung pabor ito sa impeachment na hindi niya maaaring direktang sagutin dahil ang impeachment process ay prerogatibo ng Kongreso.

Maaari aniyang naiisip ng pangulo na makakaabala lang ito sa pag-usad pero hindi niya naman ito sinasabi sa Kamara.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ng kalihim, kung magdesisyon ang mga mambabatas na ituloy ang proseso ng impeachment, walang paraan para harangin ito.