Kinumpirma ng Malacañang na ipinag-utos ang suspension ni Abra Vice Governor Jocelyn Valera-Bernos dahil sa pagpapasara sa isang ospital noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020, noong siya ang nagsilbing gobernador ng lalawigan.

Ang kumpirmasyon ay mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa isang statement, kinondena ni Valera-Bernos ang 18-month suspension laban sa kanya ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa ilalim ng Office of the President.

Binigyan diin ni Valero-Bernos na ibinasura na ng Ombudsman ang reklamo laban sa kanya noong May 4, 2022.

Sinabi niya na kinilala ng Ombudsman ang kanyang rason na ang kanyang naging hakbang ay in good faith at nasasaklaw ng kanyang tungkulin bilang public servant sa panahon ng state of calamity.

-- ADVERTISEMENT --

Tinawag niya ang nasabing kautusan na may halong politika at pag-atake sa kanyang reputasyon.