
Naglaan ang Malacañang ng kabuuang P760 milyon na tulong para sa mga lungsod at lalawigan na apektado ng matinding ulan at pagbaha dulot ng Bagyong Tino.
Ang pondo ay mula sa Presidential Financial Assistance Fund at ibinahagi sa iba’t ibang rehiyon depende sa antas ng pinsala.
Ang pinakamalaking tulong na P50 milyon bawat isa ay ibinigay sa Bohol, Capiz, Cebu, Iloilo, Negros Occidental, at Surigao del Norte.
Sumunod naman ang P40 milyon bawat isa sa Antique, Aklan, Eastern Samar, Southern Leyte, at Surigao del Sur. Ang Leyte at Masbate ay nakatanggap ng P30 milyon bawat isa, habang P20 milyon ang inilaan sa Agusan del Norte, Dinagat Islands, at Guimaras.
Ang P10 milyon ay natanggap ng Biliran, Camarines Sur, Sorsogon, Misamis Oriental, Negros Oriental, at Palawan.
Samantala, P5 milyon ang ibinigay sa iba pang apektadong lugar kabilang ang Agusan del Sur, Albay, Batangas, Camarines Norte, Camiguin, Laguna, Iligan City, Manila City, Northern Samar, Occidental Mindoro, Quezon, Romblon, Samar, Siquijor, Zamboanga City, at Zamboanga del Norte.
Kasabay ng pondo, inilagay ang buong bansa sa state of calamity bilang paghahanda rin sa nalalapit na Super Typhoon Uwan. Pinaplano rin ang imbestigasyon sa posibleng kapabayaan sa pangangalaga ng likas na yaman na nakaapekto sa pagbaha sa ilang lugar.










