Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat ni retired columnist Ramon Tulfo na sinasabing nagkaroon ng ₱50 milyong “nawala” mula sa vault ni dating Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz, na umano’y dahilan ng kanyang pag-alis sa puwesto.

Ayon sa Palasyo, walang katotohanan ang naturang pahayag.

Ang umano’y impormasyon ay galing lamang sa isang hindi pinangalanang source na tinukoy ni Tulfo bilang “tweety bird.”

Binanggit pa sa ulat ni Tulfo na ang nawawalang pera ay para umano sa pagbabayad sa mga influencers at vloggers na sumusuporta sa administrasyong Marcos, ngunit hindi ito kinikilala ng Palasyo.

Si Ruiz ay pinalitan ni dating mamamahayag Dave Gomez noong Hulyo, limang buwan lamang matapos ang kanyang pagtatalaga, at kasalukuyang itinalaga sa Manila Economic and Cultural Office bilang miyembro ng Board of Directors.

-- ADVERTISEMENT --