Pinaiimbistigahan na ng malacañang ang isang lalaki matapos magpanggap bilang hepe ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs ng Malacañang sa pagdiriwang ng1st Gaddang Congress sa Nueva Vizcaya.
Ayon Kay Virgilio Reganit, Agent Head ng NBI Nueva viscaya nakatakda sanang maging guest speaker ang suspek sa naturang pagdiriwang at nakaupo na ito sa presidential table kasama ang iba pang pangunahing bisita nang ito ay hulihin.
Ayon kay Reganit, natanggap nila ang koordinasyon mula sa kanilang headquarters para imbestigahan ang suspek matapos hilingin ng Malacañang ang kanilang tulong dahil nakumpirma kasing peke ang pagkakakilanlan ng suspek bilang kawani ng Malacañang.
Aniya Ang opisina ng Pangulo ay nag-request ng investigative assistance sa NBI para imbestigahan ang mga aktibidad ng suspek naayon sa kanila ay nagpapanggap bilang hepe ng legal affairs sa opisina ng pangulo, ngunit hindi naman nila empleyado.
Dagdag pa ng NBI, makikita ang pangalan ng suspek sa mga imbitasyon, tarpaulin, at name plate sa presidential table bilang ebidensiya.
Nabatid na ang suspek ay isang 40 yrs old,residente ng Luyang, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa ngayon inihahanda na ang kasong usurpation of authority laban sa suspek.