Tinawag ng Malacañang na “fake news” ang mga ulat na kumakalat online tungkol sa 2025 national budget, at tinawag na walang basehan at paninira ang mga sinasabi ng mga supporters ng dating presidente.
Sa statement, binatikos ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga walang katotohanan na mga pahayag na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang budget na sadyang may blank sections, na sinasabing “blank check” scheme para sa alokasyon sa hinaharap.
Binigyang-diin ni Bersamin na ang pagpapakalat ng fake news ay malisyoso at nararapat lamang na kondenahin bilang isang kriminal.
Sinabi ni Bersamin na walang pahina sa 2025 National Budget ang blangko nang lagdaan ito ni Marcos bilang ganap na batas.
Iginiit niya na ang 2025 budget, na umaabot sa 4,057 na pahina, ay sumailalim sa masusing pag-aaral ng Kongreso at mga professionals mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Bagamat hindi binanggit ng opisyal ang pangalan ng dating presidente subalit sa podcast video na posted sa YouTube account nina Davao City Mayor Sebastian Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, sinabi ng mga ito na nasa 13 pahina ng budget ay kabilang ang items na may blangkong appropriations.
Iginiit ni Bersamin na napaka-imposible na may bahagi ng budget ang iniwang blangko.
Kasabay nito, inanyayahan niya ang publiko na tignan ang budget na makikita sa website ng DBM.
Pinayuhan din niya ang kampo ng dating pangulo na maging responsable at itigil ang pagpapakalat ng mga maling