Tinuligsa ng Malacañang si Pangalawang Pangulo Sara Duterte matapos ang kanyang pahayag laban sa plano ng Department of Agriculture (DA) na magbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo sa Visayas.

Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na imbes na suportahan, pinipilit pang sirain ni Duterte ang layunin ng pamahalaan para sa mamamayang Pilipino.

Ani Castro, ang isang tunay na lider, at tunay na Pilipino, ay sumusuporta sa kapwa Pilipino, lalo na sa pangulo ng bansa.

Kinuwestyon din niya kung bakit tila ngayon pa nagiging negatibo si Duterte, gayung unti-unti nang natutupad ang matagal nang pangakong abot-kayang bigas.

Hinikayat naman ni Castro ang pagkakaisa upang matupad ang mga adhikain para sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --