Inihayag ng palasyo ng Malakanyang na wala pang officer-in-charge na itinalaga sa Department of Education (DepEd).
Iginiit din ni Presidential Communications Office chief Sec. Cheloy Garafil na ang resignation ni Vice President Sara Duterte bilang education secretary ay epektibo sa July 19. 2024.
Ayon sa kanya, ito ay nangangahulugan na mananatili pa si VP Sara sa departamento hanggang sa nasabing petsa.
Nagbitiw si VP Sara sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pinuno ng DepEd kahapon at bilang vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Sinabi ni VP Sara na ang kanyang desisyon ay dahil sa kanyang pagmamalasakit sa mga guro at mga mag-aaral.
-- ADVERTISEMENT --