Nagbabala ang mga awtoridad sa California na lalo pang lalawak ang wildfires dahil sa malakas na hangin.
Limang katao na ang namatay sa wildfires.
Natagpuan ang tatlong bangkay sa bisinidad ng Eaton fire, habang ang dalawang iba pa ay sa Palisades fire.
Sinabi ni Los Angeles County Sheriff Robert Luna, na hindi pa ligtas na pasukin ang mga matinding tinamaan ng nasabing sakuna at naniniwala siya na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay.
Samantala, isang lalaki ang ikinulong dahil sa hinala na siya ang nagpasimula ng pinakahuling sunog, na sumiklab sa hangganan ng Los Angeles at Ventura counties kahapon.
Iniimbestigahan naman ng arson investigators kung paano nagsimula ang isa pang apoy sa Palisades, kung saan mahigit 5,300 na ari-arian na ang nasira.
Tinataya na umaabot na sa 4,000 hanggang 5,000 ang sinira ng Eaton fire.
Plano din na magpatupad ng curfew sa ilang lugar matapos na huliin ng mga pulis ang 20 katao dahil sa pagnanakaw sa mga inabandonang mga bahay.