Ramdam na ang hagupit ng supertyphoon Leon sa bayan ng Sta Ana, Cagayan na nasa ilalim ng Signal No. 3.
Ayon kay PMAJ Ranulfo Gabatin, simula kaninang tanghali ng Miyerkules ay nararanasan ang malalakas na hangin na sinabayan ng malakas na ulan na dahilan ng pagkaputol sa linya ng kuryente dahil sa pagkapatid ng mga kable nito, puno at iba pa.
Sa ngayon rin aniya ay patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga inilikas sa residente na umabot na sa mahigit isang libong indibidwal.
Ito ay mula sa mga coastal barangay gaya ng Brgy Tangatang, Sta Cruz, San Vicente, Palaui, Casambalangan, at Diora‑Zinungan.