TUGUEGARAO CITY-Iniluto at inihanda ang isang malaking kahon ng instant noodles na tumitimbang ng 160 kilo para sa daang katao sa Japan, kamakalawa.

Dahil dito, idineklara ng Guinness World Record ang aktibidad na may pinakamalaking “instant noodles tasting event” dahil nagawang ubusin ng 579 katao ang instant noodles na iniluto.

Niluto ang nasa 160 kilo ng instant “yakisoba” stir-fry noodles sa pamamagitan ng pagpapakulo sa mga ito sa 480 litro ng tubig sa 1.3-meter by 1.8-meter na metallic container.

Tinatayang 780,000 kilocalories ang sustansiyang makukuha sa noodles na niluto.

-- ADVERTISEMENT --