TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng malawakang rally ngayong araw anG mga mamamayan ng Nueva vizcaya para ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng i-renew ang permit ng mining company na Oceanagold Phils. Inc. sa bayan ng Kasibu.

Magpapaso na umano kasi ngayong araw ang Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) permit ng nasabing mining company sa pag-ooperate sa lugar .

Ayon kay Andi Magno, media liaison officer ng Nueva Vizcaya, una na rin umanong nagtungo si Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla kasama ang ilang peoples organization sa tanggapan ng DENR-central office para ihayag kay DENR Secretary Roy Cimatu ang kanilang tindig na huwag nang payagan ang renewal ng permit.

Ngunit tanging ang mga undersecretaries lamang ng DENR at mga engineers ng Mines and Geosciencses Bureau ang kanilang nakausap .

Aniya, sa naturang pag-uusap, napag-alaman na naibigay na umano ng MGB ang FTAA permit application ng Oceanagold at hinihintay na lamang ang endorsement ng DENR at pirma ni Pangulong Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Magno na napakahalaga ang isasagawang protesta ngayong araw para makita ng pangulo ang pagkakaisa ng mga residente ng Nueva Vizcaya ang pagtutol sa muling pagpapalwig sa permit ng nasabing kumpanya.

Dagdag ni Magno na nasa 500 katao umano ang inaasahang lalahok sa naturang rally kung saan isasagawa ang kanilang aktibidad sa harap ng kapitolyo ng probinsiya.

tinig ni Magno