Inihayag ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang usok at malakas na tunog na narinig sa Palawan kagabi ay may kaugnayan sa inilunsad na Long March 12 rocket ng China.

Ayon sa PhilSA, may natanggap silang reports sa nakitang smoke trail at malakas na tunog mula sa mga residente sa pagitan ng 6:30 hanggang 6:45 kagabi.

Ayon sa ahensiya, sa initial assessment, may indikasyon na ang nasabing insidente ay may kaugnayan sa inilunsad na rocker ng China mula sa Hainan International Commercial Launch Center.

Sinabi ng PhilSA, nagsasagawa na ng beripikasyon ang Inter-agency TWG on Orbital Debris Protocols sa mga nasabing singting at maglalabas sila ng karagdagang mga impormasyon tungkol dito.

Kinumpirma rin ng Philippine Coast Guard (OCG) na ang malakas na tunog na tila isang pagsabog sa Palawan ay may kaugnayan sa rocket launch ng China.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, nakumpirma nila ang rocket-related activity sa silangang bahagi ng Palawan kahapon, kung saan may narinig na malalakas na pagsabog na nanggaling sa silangan, tumutugma sa unang inilabas na advisory tungkol sa nakatakdang rocket launch ng China.

Ayon kay Tarriela, sa isinagawang agad na beripikasyon, may nakitang makapal na usok sa kalangitan, na mula sa rocket exhaust o propulsion.

Idinagdag pa ni Tarriela na wala namang banta sa kaligtasan o navigation ang naiulat na resulta ng nasabing kaganapan.