Photo Credit: 17th Infantry Battalion, Philippine Army

TUGUEGARAO CITY- Nasa pangangala na ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army sa Lallo, Cagayan ang mga narekober na malalaking Improvised Explosive Device at maraming magazine ng m16 at m14.

Sinabi ni Lt. Lloyd Orbeta,spokesperson ng 17th IB na nadiskubre ang nasabing arms cache na ibinaon sa lupa na nakasilid sa isang malaking balde sa Sitio Naddurucan, Brgy. Abariongan Uneg sa Sto. Niño.

Ayon sa kanya, isang residente na dati umanong miembro ng militia ng bayan ang nagsabi sa mga sundalo na nakatalaga sa nasabing lugar sa nasabing mga armas.

Sinabi ni Orbeta na ang mga nasabing armas ay ibinaon umano ng mga miembro ng Danilo Ben Command sa pamumuno umano ng isang “ Ka Simoy”.

Kaugnay nito, sinabi ni Orbeta na ito ang ikatlong pagkakataon na nakahukay sila ng mga armas sa Sto. Niño.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Orbeta na maaaring dahil sa pag-deploy ng mga sundalo sa mga liblib na lugar kaya marami na rin sa mga dating supporters at mga miembro ng NPA sa Cagayan ang sumusuko o nagbabalik -loob sa pamahalaan.

Sinabi niya na dahil sa patuloy na pagpapaliwanag at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa mga malalayong lugar ay nahihikayat ang mga ito na tumiwalag sa rebeldeng grupo.