Sa paglakas pa ng malamig na amihan, 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴 ngayong araw sa Luzon kumpara kahapon.
Makulimlim at may ilang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon dahil sa amihan at shear line, samantalang ITCZ ang magpapaulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Dahil sa amihan, inaasahang may bahagyang pagbaba ng mga temperatura at medyo mahangin ngayon sa malaking bahagi ng Luzon.
Pinakaramdam ito sa Northern Luzon, kabilang na sa Tuguegarao City at mga bulubunduking lugar.
Halos maulap hanggang sa makulimlim pa rin ang papawirin na may mga mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Bahagyang maulap hanggang sa makulimlim ang papawirin at may paminsan-minsang mahihinang ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, at nalalabing mga bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.
Ang 𝗦𝗛𝗘𝗔𝗥 𝗟𝗜𝗡𝗘 o pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at easterlies mula sa Pasipiko ay bumaba at nakakaapekto na silangang mga bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Sa mga susunod na oras ay inaasahang magiging halos maulap hanggang sa makulimlim ang papawirin na may mga pag-ulan sa Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, at Bicol Region Posibleng maapektuhan rin ang mga karatig na lugar.
Ang 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗭𝗢𝗡𝗘 (𝗜𝗧𝗖𝗭) o kung saan nagsasalubong ang hangin mula sa northern at southern hemisphere ay nakakaapekto muli sa Visayas at Mindanao.
Halos maulap hanggang sa makulimlim pa rin ang papawirin na may mga mahihina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Caraga, at Davao Region.
Bahagyang maulap hanggang sa makulimlim ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa pa rin ng mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.
𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 na posibleng direktang makaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.