TUGUEGARAO CITY- Posibleng maitala ang mas mababang temparatura sa dito sa lungsod ng Tuguegarao ngayong buwan ng Pebrero.
Sinabi ni Paul Taguba, weather forecaster ng PAGASA na ang pinakamababang naitalang temperatura sa lungsod ay 16.7 degrees celcius na naramdaman nitong nakalipas na buwan.
Ipinaliwanag ni Taguba na madalas na malamig ang panahon sa buwan ng Enero at Pebrero at hanggang sa unang linggo ng Marso dahil sa North East Monsoon o hanging Amihan.
Ayon sa kanya, sa panahong ito natutunaw ang yelo mula sa Siberia- China at pagdaan ng Amihan ay ibinubuga nito ang malamig na hangin papunta sa ating bansa.