TUGUEGARAO CITY-Maiiwasan na umano ang pagso- solicit sa mga pulitiko maging ang biktima ng scam dahil sa pagkakatatag ng Malasakit Center sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay 3rd District Board Member Mila Lauigan, Chairman ng Committee on Health sa Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan,ilan sa mga humihingi ng tulong ay mas pinipili na pera ang kunin sa halip na tulungan sa ibang paraan.

Aniya, sa ganitong paraan ay walang kasiguraduhan kung gagamitin sa pagpapagamot ang hinihinging tulong o sa mga masamang bisyo lamang.

Dahil dito, malaking tulong ang malasakit center upang maiwasan ang pagso- solicit dahil dadaan na sa proseso at magkakaroon ng validation sa mga tulong na ipapamahagi sa isang indibidwal.

Samantala, sinabi ni DR. Glen Mathew baggao ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC)na bukas ang Malasakit Center sa lahat ng mga mahihirap na pasyente sa buong bansa.

-- ADVERTISEMENT --