Nasa 10,000 Myanmar nationals na ang naipauwi ng Malaysia sa kanilang bansa mula Enero, bilang bahagi ng programa ng pamahalaan na repatriation sa mga refugee na tumakas dahil sa nagpapatuloy na civil war sa Myanmar.

Ayon kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, kabilang sa mga repatriated ang mga isinakay sa mga eroplanong inayos ng Myanmar government, habang nasa 1,400 naman ang naibalik sa pamamagitan ng barko noong nakaraang linggo sa ilalim ng kasunduan ng dalawang bansa.

Tinatayang 193,000 refugee mula Myanmar ang kasalukuyang nasa Malaysia, batay sa datos ng United Nations.

Iginiit ni Anwar na may garantiya mula sa Myanmar authorities na hindi sasaktan o aabusuhin ang mga ibabalik sa kanilang bansa.

Gayunman, nagpahayag ng pangamba ang ilang human rights groups at mambabatas sa kaligtasan ng mga repatriated, lalo na’t patuloy ang kaguluhan sa Myanmar matapos ang military coup noong 2021.

-- ADVERTISEMENT --