Sampung maliliit na negosyante mula sa bayan ng Allacapan, Cagayan ang muling tumanggap ngayong araw ng ‘grocery items’ mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan.

Sa ilalim ng ‘Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay’, nabigyan ng livelihood kits ang mga benepisaryo ng programa sa Barangay Centro East at West upang mapalago pa ang kanilang negosyo.

Nabatid na nauna nang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ang sampung maliliit na negosyante na nagmamay-ari ng tindahan noong Disyembre 2020.

Ang programa ay inilunsad ng DTI-Cagayan para makatulong sa mga apektadong negosyante sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Kasabay nito ay magsasagawa ang ahensiya ng regular na monitoring sa mga benepisaryo upang masiguro na mapalago ng mga ito ang ipinamahaging livelihood package kits na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000.

-- ADVERTISEMENT --