Inaasahang haharap sa mas mahigpit na pagdinig ng Senado si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan dahil sa umano’y maling grid coordinates na ibinigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Plano ng Senate Blue Ribbon Committee na siyasatin kung sinadya ba ang maling impormasyon at sino ang nasa likod nito.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, dahil nasa Pilipinas na si Bonoan, siya ang nararapat na magpaliwanag.

Binanggit din niya ang testimonya ng mga Undersecretary na nagpapakita ng “malinaw na pattern” ng maling lokasyon sa mga kuwestyunableng flood control projects, kung saan 86% ng unang nasuring proyekto ay may mali-maling datos.

Nagbabala si Lacson na hindi siya mag-aatubiling patawan ng contempt o detensyon si Bonoan kung iiwas o hindi sasagutin ng tama ang mga katanungan.

-- ADVERTISEMENT --

Binanggit din niya na ang maling coordinates ay maaaring ginawa hindi lang para siraan ang “Sumbong sa Pangulo” website, kundi upang pigilan ang pagtutok sa mga depektibong proyekto.

Wala pang tiyak na petsa para sa susunod na hearing habang muling magsisimula ang sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo.