TUGUEGARAO CITY- Galit na galit na sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa kanyang talumpati sa indignation rally kaninang umaga laban sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army na hamon sa lahat upang mawakasan na ang insurgency sa lalawigan at sa buong bansa.

Binigyan diin ni Mamba na hindi lamang ang mga otoridad at mga local officials kundi ng bawat mamamayan ang dapat na tumulong sa laban kontra mga NPA.

Sinabi ni Mamba na kailangan na ipatupad ang whole of nation approach upang matapos na ang problema sa insurhensiya.

Iginiit pa ni Mamba na wala nang dahilan upang ipagpatuloy pa ng NPA ang kanilang armadong pakikipaglaban dahil sa marami nang programa ng Duterte administration na para sa mga mahihirap at para sa lahat.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, nanawagan si Mamba sa lahat na itigil na ang pagsuporta sa makakaliwang grupo.

ang tinig ni Gov.Mamba

Isinagawa ang nasabing rally sa patio ng St.Peter’s Cathedral, Tuguegarao City.

Dinaluhan ito ng mga pulis, militar, local chief executives at ilang mamamayan.