Inatasan ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan ang Provincial Health Office na makipag-ugnayan sa mga medical frontliners na nagpositibo sa covid-19 sa Tuao at Piat District Hospital.

Sinabi ni Mamba na ito ay para malaman at maibahagi sa publiko kung papaano nila nakuha ang nasabing virus at makakagawa din ng hakbang ang mga kinauukulan para maiwasan na makahawa pa ng iba.

Kasabay nito nito, nanawagan si Mamba ng pagkakaisa ngayong panahon ng pandemic.

Ayon sa kanya, kailangan na magtulungan upang muling maibangon ang ekonomiya ng lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Mamba

Inatasan din ni Mamba ang Engineering Department at ang Bids And Awards Comiitee na bilisan ang mga infrastructure projects dahil dito umano ang oportunidad para sa ilang mamamayan na nawalan ng trabaho dahil sa covid-19.

Samantala, isiniwalat ni Mamba na may natanggap siyang impormasyon na may 200 miembro umano ng New People’s Army na mula sa Abra ang pumunta dito sa lalawigan partikular sa coastal towns.

Ayon sa kanya, ito ay dahil umano sa gagawing dredging sa port of Aparri.

Sa kabila nito, iginiit ni Mamba na tuloy pa rin ang nasabing proyekto sa sandaling maayos na lahat ang mga kailangang requirements.