Inihayag ni Transportation Secretary Vince Dizon na isasailalim na sa mandatory drug testing ang mga driver ng public utility vehicles (PUV), kasunod ng mga sunod-sunod na aksidente sa mga lansangan na kumitil sa buhay ng ilang katao.
Sinabi ni Dizon na nakatakda niyang lagdaan ang department order ngayong araw na agad na ipapatupad.
Ayon kay Dizon, galit na galit siya nang malaman niya na ayaw ng hinuling driver ng Solid North sumailalim sa drug test.
Binigyang-diin ni Dizon na hindi pwedeng hindi sumailalim sa drug test ang driver dahil sa may namatay na 10 katao sa pagbangga niya sa ibang sasakyan kamakailan.
Sinabi ni Dizon na makikipagtrabaho ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa implentasyon ng nasabing kautusan.
Idinagdag pa ni Dizon na regular basis isasagawa ang mandatory drug testing ay gagawin kada 90 araw.