Pinangangambahan ng Kabataan Partylist na muling magamit sa pang-aabuso at korapsyon ng militar ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Corps (ROTC).
Sinabi ni James Paredes, Kabataan Partylist-Cagayan Chapter na ginagamit lamang ang pagka-makab ayan para bigyang katwiran ang panunumbalik nito.
Iginiit ni Paredes na hindi solusyon ang mandatory ROTC sa pagdidisiplina sa mga kabataan kundi magiging sunud sunuran lamang ang mga estudyante sa mga opisyal ng militar.
Sa halip na ibigay ang ROTC sa lahat, sinabi ni Paredes na palakasin na lamang ng gubyerno ang National Service Training Program (NSTP) sa Grade 11 at Grade 12.
Sa botong 167 na yes at 4 na no, naaprubahan sa huling pagbasa ng Kamara ang panukalang ibalik ang ROTC sa senior high school sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan sa buong bansa.