TUGUEGARAO CITY-Hawak na ng kapulisan ang isang manggagawa na halos anim na taon na nagtago sa batas na nahaharap sa kasong panggagahasa sa bayan Piat, Cagayan.

Ayon kay Police Capt. Gil Pagulayan, chief of police ng PNP-Piat, isang concerned citizen ang nagbigay alam sakanilang himpilan na nasa Brgy. Upig, San IIdefonso, Bulacan ang akusado na si Diosdado Mero tubong Albay na nanirahan sa bayan ng Piat.

Kasunod nito, agad na nakipag-ugnayan ang PNP-Piat sa Pnp-Bulacan at isinilbi ang warrant of arrest na dahilan ng pagkaaresto ng akusado sa pinagtatrabahuang pagawaan ng hollow blocks sa Bulacan.

Nangyari ang panggagahasa sa bayan ng Piat noong 2013 sa hindi na pinangalanang biktima.

Sinabi ni Pagulayan na nahirapan ang pagtukoy sa kinaroroonan ng akusado dahil palipat-lipat ito ng tirahan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Piat na ang akusado.