
Nasungkit nina Lhey Marie Manginsay at Jan Wilfred Redulla ng Pilipinas ang silver medal sa mixed doubles XD17 event ng 2026 Asian Para Games sa Japan nitong Huwebes, Oktubre 22.
Nabigo ang Filipino duo na makuha ang gintong medalya matapos silang talunin ng Chinese pair na sina Zhao Shuai at Xiong Guiyan, 3-1, sa championship match.
Bago makarating sa finals, tinalo nina Manginsay at Redulla ang Japanese tandem nina Koyo Iwabuchi at Yuri Tomono, 3-2, sa semifinals.
Ang silver medal ang ikalimang medalya ng Pilipinas sa kasalukuyang torneo, kasunod ng apat na medalya na naunang naiuwi sa para swimming.





