Ninakaw umano ang painting ni Fernando Amorsolo na 88 years old sa Hofileña Museum sa Silay City, Negros Occidental.

Umaapela ang Silay Heritage, grupo ng cultural advocates sa publiko na magbigay ng anomang impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ng painting na tinawag na “Mango Harvesters.”

Ang “Mango Harvesters” painting, na may sukat na 12 by 8 inches ay isa sa unang obra ng national artist noong 1936.

Inilagay ito sa Hofileña Museum, na repository ng obra na nakolekta ng pumanaw na owner-curator na si Ramon Hofileña, at kanyang pamilya.

Ang pangunahing attraction ng museum ay ang ikalawang palapag, kung saan makikita ang mga gawa ng mga kilalang pintor na sina Juan Luna, Felix Resurreccion Hidalgo, at Vicente Manansala.

-- ADVERTISEMENT --